What I say, what I do... It depends on the mood. See everything random in here. Feel free to snoop around. c;
| free web counter |
minsan man lamang magalaw ang blog na ito…
as if naman may mga interesado diba?
anasimulan mo na.
sana tapusin mo ito.
hahaha. habang ang panahon ay nadaragdagan
ng araw at gabi, siyang ikinababawas ng
kahalagahan ng lohikal na pag-iisip ng mga tao.
unti unti pinapatay natin ang sarili nating kultura,
sariling atin, ang wika..
ang ating literatura…
may pag-asa pa nga ba?
bakit kapag nagsalita ka ng ingles,
sosyal ka, magaling,
nakaaangat?
habang kung ikaw ay hindi marunong nito
kung ituring ay
para kang isang inutil na walang modo…
ayan ang konteksto sa makabagong henerasyon.
bakit baliktad?
di ba nasa Pilipinas tayo?
bakit hindi natin kaya ipagmalaki
ang pagiging tayo?
sagutin mo.
marahil nahihiya ka..
sa katayuan ng bawat isa dito.
pero di mo ba naisip
na ikaw rin ay isa sa mga dahilan?
panahon na para
imulat ang mata.
iyan ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit
nalulugmok sa ngayon ang Pinas.
ang mundo ay serye ng pagkilos,
bawat galaw ng kahit na isang tao ay makaaapekto
sa galaw na pangkabuuan.
ultimong pagpara mo sa dyip ay may nagagawang kaibahan,
ang mga kasunod na sasakyan ay titigil rin para mailulan ka ng dyip..
kumilos na tayo.. may magagawa naman tayo..
wag na tayo sumuko.
di ka ba natatauhan sa kabilaang
paglagpak ng lipunan natin?
sulong bayan.
NIGHTNIGHT by DEDDY